Tuesday, January 21, 2014

Hambog Ng Sagpro Krew – Move On









Ikaw ay nagbago at ako'y ginago 
Kaya ngayon ika'y iiwan (Iiwanan ka na) 
At wag mong sabihin ako'y inalipin 
Dahil kaya kitang palitan 
Kaya tabi jan 

First Verse: 

Yeah! Isa ako sa 
Taong nasaktan at tila ba inalipusta 
Ng minahal ko puso ko ay para bang tinusta 
Dahil niloko nya ako ang relasyon tapos na 
Umiiyak habang sa paghinga kinakapos na 
Kahit wala na nga kame sya ay kinakamusta 
"Kamusta ka?" Bibigyan pala kita ng pusta 
Pagkatapos ng kantang ito sakin laos ka 
Dahil habang ako ay malungkot magisa 
Ikaw naman ay maligaya sa tabi ng iba 
Mga naloko mo isa ako sa nakalista 
Kaya mabuti saking buhay ay naalis ka 
Dahil nanloko ng maraming beses di lang isa 
Sa wakas ang puso't isip ko ay nagkaisa 
Nadama't naisip dapat nang limutin kita 
Dahil tao din ako na dapat lang sumaya "Di ba?" 

Chorus: 

Ikaw ay nagbago at ako'y ginago 
Kaya ngayon ika'y iiwan (Iiwanan ka na) 
At wag mong sabihin ako'y inalipin 
Dahil kaya kitang palitan 
Kaya tabi jan 

At wag mong isipin na ito'y uulitin 
Hindi na mangyayari sakin yan 
Salamat sayo ay namulat mata ko 
Pagibig problema lang ang dala nyan 

2nd Verse: 

"Problema" may solusyon lahat yan para sakin 
Kung walang solusyon eh di wag mong problemahin 
"Pagibig?" Sus! anjan lang yan 
"Pwedeng mahalin?" Sus! Marami pa jan 
Na mas hihigit sayo't magmahal totoo 
Siguro ay sira ka na kaya ka nagloloko 
Kaya wag mong iisipin hanap hanap ang yong piling 
"Excuse me, artista ka?" Wag kang feeling 
Di lang naman ikaw ang tao sa mundo 
At sa mundo ko hindi lang ikaw ang rason ko 
At hindi ko hahayaan ng dahil sa iyo 
Masira ang lahat lahat sa buhay ko na ito 
Dahil kung ako'y nalimot mo pwes kaya ko rin 
Di na magmamahal ng tao kung kagaya mo din 
Dahil di ako nagkulang di ka lamang makuntento 
Nakakaawa ka sakit mo di ka makumpleto 

"Gamot sa sakit na yan? Di pa naimbento" 

Chorus: 

Ikaw ay nagbago at ako'y ginago 
Kaya ngayon ika'y iiwan (Iiwanan ka na) 
At wag mong sabihin ako'y inalipin 
Dahil kaya kitang palitan 
Kaya tabi jan 

3rd Verse: 

Kalimutan mo na sya yaan ang tama na diskarte 
Di naman tayo artista kaya wag ka nang umarte 
At wag nang maginarte dahil hindi ka naman emo 
Pag gusto nyang bumalik sabihin mo "Anong paki mo?" 
Minsan iniisip mo kung sino ba kanyang kasama 
Wag kang magaalala kasama nya lagi si karma 
At ika'y hindi tanga pagkat tanga ay di na uso 
Masyado ka lang mabaet kaya ka inabuso 
Wag kang manghihinayang, sya dapat manghinyang 
"Dahil ang tunay mo na pagmamahal kanyang sinayang" 
Wag mo hahayaang makulong ka sa nakaraan 
Dahil napagdaanan mo na yan tapos ka na jaan 
Marami pa namang iba at patas pa hindi madaya 
Mas gusto mo bang nakakulong ka at hindi malaya 
Bawat araw may surpresa magandang pagbabago 
Di naman ako perpekto para sa inyo'y magpayo 

"Sa lahat ng bigo, tara! Move on tayo" 

Chorus: 

Ikaw ay nagbago at ako'y ginago 
Kaya ngayon ika'y iiwan (Iiwanan ka na) 
At wag mong sabihin ako'y inalipin 
Dahil kaya kitang palitan 
Kaya tabi jan 

No comments:

Post a Comment