Tuesday, January 28, 2014

Diwata – Abra & Chito Miranda


Chorus:
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
‘Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

Verse 1:
Naaalala ko pa n’ung una kang masilayan, nanghihinayang
Gustung-gusto kita kausapin,
Makilala, subalit may kaba
Kaya nahihiya lang

Sinayang, ang nakatakdang tadhana
Karapat-dapat nga ba na magkandarapa
Sa isang prinsesa na may delikadesa
Kesa sa gano’n baka sakaling game ka maging reyna

Date tayo, oo, ikaw at ako
Liparin natin ang iba’t-ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay
Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

Kung sabagay, karangalan kong alagaan
At pahalagahan ang natural mong kagandahan
Aminin ko man o hindi
Kapag nasa paligid eh pasimple na ngumingiti
Sana kako tamaan

Chorus:
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
‘Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

Verse 2:
Hanggang sa nagkakilala muli
At unti-unti kang nakikilala, munti
Pang tumitiklop na parang makahiya ah
Naglakas loob ah, d’yan sa kaliwa
Ang daming pumipila, daig pa’ng MRT
Pero diba’t sa pag-ibig mas kabit ‘pag less than three
Anong sagot, p’ede mo ‘kong tanungin
May tanong ako sa’yo, p’ede mo kong sagutin
Sana oo na lang din
Susubukang abutin
Panaginip lang kita, kaya gusto kong antukin
Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin
Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin ah

Ikaw ang aking laging nais na makapiling
Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling
Binibining napakaganda at wagas
Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap nang mataas

Chorus:
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
‘Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

Verse 3 (Chito Miranda):
N’ung nakita ko s’ya, ‘di makapaniwala
Sa taglay n’yang ganda, tinamaan din ako
Teka bakit ganito, ba’t napaparap ako
‘Di ba sabi ko sa’yo, ‘wag mo na akong isama
Para ‘kong nasilaw sa kasama mong diwata

Ngayon alam ko na ba’t nasisiraan ka nang ulo
Napapakanta ka na lang na parang ganito

Chorus:
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo woah
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso woah
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
‘Pagka’t ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, ‘di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata




Lord Patawad – Bassilyo




Kinakausap lang Kita kapag ako’y nangangailangan
Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan
Kasi alam Mo na sa tong-its talo ako
Pwede bang bigyan ako kahit anim na numero?

Kinakausap lang Kita kapag ako’y nangangailangan
Sana’y may artista na maka-date man lamang
Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez
Sana ako’y pumogi, pumuti at maging flawless

Kinakausap lang Kita kapag nangangailangan
Noong ako’y binasted ng aking nililigawan
Problemado po ako at wala ‘kong pang-inom
ang hina ko Sa’yo, yun ang hinala ko noon

Kinakausap lang Kita kapag ako’y nangangailangan
Ang aking iniisip ay puro pang-sarili lamang
kapag may mabigat na problema at seryoso
Doon ko lamang naaalala ang pangalan Mo

CHORUS
Lord, patawad
Pagkat ako’y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad
Pagkat ako’y makasalanan
Makasalanang nilalang

Ako’y nagsisimba kapag gusto ko lang
‘Pag may bagong damit na ipagyayabang
‘Pag may bagong biling mahal na pabango
Kapag bago ang shoes o kaya ang relo

Ako’y nagsisimba kapag gusto ko lang
Pag may jowa akong makakalampungan
Kapag may mga bebot na ang gaganda
Kapag merong baklitang nakakatawa

Ako’y nagsisimba kapag gusto ko lang
‘Pag andyan ang tropa’t nagkayayaan
hahanap ako ng mapagtitripan
Pagkatapos ng misa ay aabangan

CHORUS
Lord, patawad
Pagkat ako’y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad
Pagkat ako’y makasalanan
Makasalanang nilalang

Akala ko dati ay kaya ko na
Kaya ko nang mabuhay mag-isa
Ang daming trabaho, babae’t pera
‘Pag ako’y sagana ‘di Kita kilala

Naalala Kita noong ako’y nakulong
Parang bubuyog, bulong ng bulong
‘Pag may kamalasan sa ‘king na nangyari
Ikaw lang nang Ikaw aking sinisisi

Kapag merong debate, sinong magaling?
Sinong matuwid sino ang nagsinungaling?
Ako’y naiiling at mistulang santol
‘Di man lamang Kita kaya na ipagtanggol

SINOSOLO KO LANG ANG BIGAY MONG BLESSING!
‘Pag kumanta ako dapat ay bayad din
Bakit nga ba Sa’yo ay wala akong time
Pa’no kung Ikaw na ang mawalan sa akin ng time?

Lord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord…

Lord, Lord, Lord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord…

Sa puso ko’y lagi Siyang kumakatok
‘Di ko binuksan, ‘di ko pinapasok
Tuktok ng bundok na Kanyang inakyat
Tignan ko pa lang ako ay nilagnat

Dapat ako ang ipako sa cross
Dapat ako ay siyang nanlilimos
Nag-awad ng tawad sa ating Ama
Ngunit masama pa ang pinadama

Dadadadadadadadadada
Puro ako salita at dada
Sa biyaya ako’y naaatat
Pero kahit kailan ‘di nagpasalamat

Nagduda ako sa kakayahan Mo
‘Di ako nararapat Sa’yo
Masyado akong mapagmalaki
Pero kahit kailan, hindi Ka nag-higanti

Lo-ord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord…
Pagkat ako’y makasalanan
Makasalanang nilalang

Lord, Lord, Lord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord…
Pagkat ako’y makasalanan
Makasalanang nilalang





Sunday, January 26, 2014

Miss, Miss Na Kita Xykimac Ng Zamurai, Sagpro Krew – Hambog



nung malayo ka sakin lungkot na ang natamo
pano ba pipigilan ang mata ko
sa pagpatak ng luha pag ikaw ang sumasagi
sa isip bawat araw ikaw ang namamalagi

lalo na pag naiisip ang mga sandali
nung kasama ka ku-kwento ko, teka sandali
diba nung kapiling ka madalas pa tayo non
gumagala kahit na masama ang panahon

at ang kasabay pa nun ang lambing mo bago matulog
pag hindi ka katabi hindi nako makakatulog
pag nauna akong gumising pinagmamasadan kita
pag may topak ako minsan aawayin pa kita

pinagluluto din kita, lahat ng yun ay miss ko na
tanong ko sa panginoon makakasama ka pa ba
at kung ito’y mangyari man di ko na sasayangin pa
miss kita kaya dinaan ko na lamang lahat ito sa kanta

Chorus:
anata ni aitakute
aitakute nemureru yoru wa
anata no nukumori wo
sono nukumori wo omoidashi
sotto hito mitojite miru

Bakit ba ganon pag hindi kita kapiling
ang bigat bigat sa feeling
buong araw ko ako’y matamlay
kasi hindi kasama ang mahal ko na merong taglay

katauhang walang kapantay
kaya kapag kasama ka nasa mabuti ang lagay
pero pag di ka kasama hindi mapalagay
nakatingin sa malayo at ang tanging dasal at hiling ko na sana ay

na nandito ka lang din at magkalapit ating mga kamay
para masasaya na kaganapan ay madama natin sabay
walang kabuluhan pag-ikot ng kamay ng orasan
kung palagi kong tanong ang mahal ko nasaan

nakakainis hindi ako mapakali
sana anino kita para lagi kitang katabi
alam mo? sobra na!
ang sakit talaga kasi sobrang miss na kita

Chorus:
anata ni aitakute, aitakute
nemureru yoru wa
anata no nukumori wo
sono nukumori wo omoidashi
sotto hito mitojite miru

paano ko nga ba mapaparating ang mga sinsasabi ng aking puso
nung simula ng ikaw ay mawalay sa akin ay para bang nadurog ang damdamin
pagkat napakasakit nung ikaw ay napalayo
halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko di makatayo

paano ko nga ba mapaparating ang mga sinsasabi ng aking puso
nung simula ng ikaw ay mawalay sa akin ay para bang nadurog ang damdamin
pagkat napakasakit nung ikaw ay napalayo
halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko di makatayo

sa pagkalayo mo sa akin ay para bang nawalan na ko ng buhay
ganito ba ang nadarama ng isang nagmamahal ng tunay
tila ba nawalan ng saysay ang aking mga pagsusumikap
dahil mula ng di ka na kasama, mag-isa ay napakahirap
di mahagilap ang kasiyahang tanging ikaw lang ang nagbigay
sa bawat araw na lumilipas hindi na ako mapalagay

tinatangay na ng kalungkutan ang isang makatang laging sawi
laging tanong saking sarili bakit ba ganito nauwi
pumapatak ang aking luha di na mapalagay baka kasi
mawala ka na sakin nigla at ako’y maisang tabi

gustong gusto na kitang makita alam mo ba to?
oh pano ba to? alam ng diyos na ako’y tapat at syang nananabik sayo! (pause)

sana nandito ka din dito saking tabi para di na ako ganito
hanngang kelan ba tayo magkakalayo ang lungkot ko gaano ba katagal to?
na mararamdaman bawat araw at bawat gabi at dasal ko sa panginoon
isa lang yun ay ang tangayin ka malapit sa akin at makatabi ka ngayon

pero pano na yun dasal ko sa kanya parang di nya muli ito pinakinggan
kahit pa sa demonyo lalapit ako para lamang tayo ay magkalapitan
lahat gagawin ko, lahat itataya lahat haharapin papasukin lahat
basta ba kapalit ibalik ka sa aking tabi at muli kitang makatapat

dahil hindi ko tanggap na ang aking mahal ay hindi ko man lang magawang makapa
anuman ang nasa akin ngayon kung wala ka naman ang lahat ng yun balewala
lahat ng ginagawa ang hiling ko sana ginagawa natin to ng sabay
kasalanan ko to kung bakit sayong piling sarili tuluyan ako ay sanay

pero maghihintay ako hanggang sa dumating araw na aking asam na asam
yun ay muli tayong magkatabi ayun nga lang ang awar ay hindi pa alam
tandaan mo ito may isang taong nangakong hihintayin ka lamang daw niya
dahil…
miss na miss na miss na miss kana niya

Chorus:
anata ni aitakute, aitakute
nemureru yoru wa
anata no nukumori wo
sono nukumori wo omoidashi
sotto hito mitojite miru

Chorus:
anata ni aitakute, aitakute
nemureru yoru wa
anata no nukumori wo
sono nukumori wo omoidashi
sotto hito mitojite miru

aishiteru to tsubayaite



Hambog Ng Sagpro Krew - KAIBIGAN LANG lyrics


nakatambay ako syempre gawaing binatilyo

ako ay nag-iisa at hawak ko ay sigarlyo
at bigla kang dumaan at ako'y napatingin
tumayo akong bigla na para bang may nais hingin
(ano kaya yun?)

hmm siguro numero, di ko alam ang gagawin
bigla akong natuliro huminga ko ng malalim ang loob nilakasan
ang nadadamang kaba sa katawan nilampasan
itinanong sayo miss, miss teka lang anong pangalan mo?
sabi mo naman (bakit at ano naman sayo?)
sabi ko ulit sayo gusto ko lang malaman
baka pwede naman ate sayo makipagkaibigan
ang sagot mo sakin..

sus, yun lang naman pala eh!
walang probleman dun basta't nandyan ka lang palagi
pag ako'y nalulumbay maaasahan ba kita?

ang sagot ko sa iyo syempre naman ako pa? huh

alam mo? di mo pa alam,
kasi ngayon ko pa lang sasabihin eh (hehehe)
bkit nung una pa lang kitang nakita
hinablot mo na kagad ang puso ko
hindi ka naman snatcher di ba?
bakit kaya?
isa pa ano bang meron sayo na kakaiba
na hindi ko makita sa iba
kaya simula nung oras na yun,
pinangako ko sa sarili ko na iingatan kita
ako ang magiging soulja boy mo
habang buhay, para sayo�…

kaya�…
simula nun tayo'y naging matalik na kaibigan
bantayan alagaan ka aking kinahiligan
pag sayo'y may manliligaw ika'y kokontakin
tatawagan ka nila at aking kokontrahin

dadating ang manliligaw ko na may sasakyan

wag kang sumama sige ka, ang puso mo wasak yan

eh ang sabi nya wala pa syang nagiging kasintahan
marami ng naloko yan oh eto ang listahan

hindi ko masabi ang nasa damdamin
na parang gusto kong ika'y mapasakin
naalala ko nuon ako ay tinitigan
ako'y naiinlove ngunit aking pinipigilan

ano kaya itong nadadama sayong mata ako'y nadadala
minsan nga gustong sabihin sa iyong mahal kita
kaso baka sagot lang sakin

wag ka ngang magpatawa tse!

yan! yan ang dahilan kung bakit di ko inaamin sayo
kase kaibigan lang, kaibigan lang
ang ranggo ko dyan sa puso mo
tingin mo lang sa akin, ganon lang
pero ako iba na ang nararamdaman ko para sayo

hoy! iba na ang nararamdaman ko para sayo (hehehe)
naalala ko tuloy nun, isang araw nagkita tayo sa tambayan
may sasabihin sana akong matindi sayo
kaso umatras na naman ang dila ko (hehehe)
ganito ang nangyari nun eh,
okey pakingan mo

Pwede ba kitang yayain? (saan?) sa pasyalan
(sige ba!) pagkatapos ituloy na sa kasalan�…
(ha? baliw ka ba?) ito naman hindi na mabiro
(parang gago ka kase) hehe halika dito
(may gusto ka bang sabihin tapatin mo nga ako, inlove ka ba?)
kaibigan lang kita at hindi tayo talo diba?
(talaga lang ha? totoo ba yan?) oo nga!
(e bat lagi mo kong sinusubaybayan) ah eh ganito kase yan!
(sige paliwanag mo) ayoko lang may tumabi dyan!
(saang tabe?) saan pa ba e di dyan sa tabi mo!
(bakit nagseselos ka?) anong pinagsasabi mo
(kunyari ka pa) kulit naman oo nga mahal kita
ngunit bilang kaibigan lang naman oh, gets mo na?
(okey, sige na, okey na baka hinahanap mo na ko samin)
sige ingat ka, shit! bakit di ko pa inamin

tama ganon nga, di ko alam kung bakit naging ganun
pag nasa tapat na kita, kahit summer nilalamig pa rin ako
tsaka, wala naman si Mickey mouse sa dibdib ko
pero ba't dinadaga ako
huh! ang madaming katanungan na hindi ko pa masagot sa sarili ko
kay ginawa ko tong kanta na to
para ilabas na to di ko na kasi matiis eh
kahit dito lang,
kahit dito lang malaman mo ang totoo

hindi ko to masabi sa iyo ng personal
baka isipin mong ako'y madrama at emosyonal
nahihiya kasi ako at baka mapahiya
o di kaya'y mahimatay ka at biglang mapahiga
na lang sa lupa dahil saking sasabihing kataga
hindi nasabi kaagad dahil ako'y dinadaga
kapag ika'y nasa harap ko di makapagsalita
pagka't malayo agwat mo satulad kong maralita

pero sa oras na itongayon ako'y mapapaamin
mahal kita may tsansa bang ikaw ay mapasa akin?
O ayan nasabi na at alam mo na ngayon
kay tagal ko tong tinago sa loob ng panahon
na lagi tayong magkasama satambayan at inuman
minsan nga lasing ka na ang braso ko'y iyong inunan
pero walang malisya papel lang ay kaibigan
ngunit pinapangarap kong tayo'y magka- ibigan

may aaminin ako sayo, may sasabihin ako sayo ha
wag kang maingay ha, ako si Batman!
hindi joke lang.. 

ayan na sinabi ko na ngayon ko lang nalabas to
sa kanta, pa'no pag nagkita tayo ng personal na naman
pero sana, sa pagkikita natin, maintindihan mo na ko
akala ko nga noon, saging lang ang may puso
mali pala, kahit bakal ang puso ko
ikaw ang babaeng nakamagnet nito 

yeah! salamat�…

Bentedos (Sagpro Krew) – Hambog



Sana itong awitin ko kahit saglit bigyan ng oras
Di kase kita mabibigyan ng tsokolate’t rosas
Chocolate sakit sa ngipin rosas ay nalalanta
Pero eto mula sa puso ang sinulat kong kanta
Na ikaw ang tanging bida at ikaw lang ang laman
Mahal kase kita yun lamang ang aking naramdaman
Simula nung nakilala ka sa aking paglabas
Maria Leonora Theresa Canlas
Eh pano kung Maria Theresa Canlas De Guzman
Ok yun ah di ba mas magandang pakinggan
Pero balita ko ngayon ikaw ay may iba nang
Minamahal pero ako hanggang ngayon ikaw lang
Kase di ba noong akoy nanligaw ako’y nangako
Na ikaw lang iibigin kaya tinupad ko nga to
Dahil langit na malayo sakin mo itinabi
Sayo ko lang itatanong tanong na “Will you marry me”

Chorus:
Could it be that I have found an angel
I can see heaven in your eyes
In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side

2nd Verse:
Kahit tayo’y magkalayo ako’y kumapit sa tiwala
na ako pa rin ang yong Hambog ikaw aking Diwata
Kung mayron ka ngang iba wala na kong pakealam
basta’t mahal kita yun nalang aking alam
Kaya lahat ng nasa puso ko ay aking sasabihin
Kung kanino ka man mapunta ikaw ay babawiin
Upang ang pagmamahalan ituloy natin ito
Simula Nobyembre bentedos ng dalawang libo at pito
Dahil ikaw lang natatangi na sa akin nagpabago
At ikaw lang tinanggap ng puso ko na may kandado
Na ang susi ay wala sayo ang susi di mo nakuha
Pero ayos lang kase ika’y pinapasok ko nang kusa
Dahil mahalin kita hindi ko yon pinagisipian
Dahil yun ang gusto ko wala akong pinagsisihan
Oo mahal kita wala akong magagawa
Wala akong magagawa kapag ikaw ay nawala
Kapag ikaw ay nawala wala akong magagawa
Balibaliktarin mo man kase ikaw lang talaga
Mula noon hanggang ngayon at kahit kailan
Lahat ng aking ginawa lahat ikaw ang dahilan

Chorus:
Could it be that I have found an angel
I can see heaven in your eyes
In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side

Kaya sa mundo na ito may nanatili na ako
Dahil ako ay mayroong ikaw ako nama’y sayo
At tatahakin natin ang mundong sadyang mapaglaro
Kahit tayo’y magkalayo alam kong magkakatagpo
Ang dating magkasamang magasawang JV at Matet
Hindi ako susuko hanggang sa muling magkalapet
Ang puso mo at puso ko na ikaw lang ang umakit
At humawak ka lang sa tiwala dun ka lang kumapit
Sige kumapit ka at wag na wag kang bibitaw
Sumama ka na dito sakin di tayo maliligaw
Ng landas di ba pinasok natin tong magkasabay
Hanggang ngayon ikaw pa rin at ako’y naglalakbay
Hindi problema ang distansya sa pagibig na tiyak
Tatapusin ko na to bago pa ko maiyak
Basta kahit anong mangyare dito satin ngayon
Wag mo kong iiwan ha di ko kaya yon (di ko kaya yon)

Chorus:
Could it be that I have found an angel
I can see heaven in your eyes
In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side

In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side





Huling Mensahe – Hambog Ng Sagpro Krew


1st Verse:
Mabuti pa ibang lalake mo ika’y napasaya
Kaya kung minsan ang hiling ako nalang sana sila
Tatlong taong ginugol ko sayo lahat baliwala
Tatlong taong sinakripisyo ni wala kong napala
Tatlong taon mo kong niloko sa iyo ay nadala
Tatlong taon ng buhay ko dahil sayo pariwara
Dakila kong pagmamahal dating sayo walang wala
Pag may kasama kang iba nais ko lang ay magwala
Tangina ang saket ni wala kong magawa
Habang ika’y nagsasaya ako nama’y nagluluha
Tanging panulat at papel na lamang ang aking karamay
Sapagkat ang puso ko at isip ko ay magkaaway
Kautusan ng aking isip ay ang kalimutan ka
Ngunit bulong ng puso ko “Sana ay bumalik ka na”
Grabe sobra ang saket sitwasyon napakahirap
Tulungan mo kong limutin kita pakiusap

Chorus:
Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
Ikaw lang ang minahal ng ganito

2nd Verse:
Makinig ka
dahil sa galit at lungkot kaya ko naipinta
Itong awitin na sinulat sa pula na tinta
Ilalabas ko ang lungkot na matagal ininda
Ng puso na mapagmahal na nilaro mo at winasak
Nagkamali ako ng relasyon ko na tinahak
Masyado lang siguro kita na minahal
Kaya ngayon ang puso ay nasa kritikal
Tanong ko lang ano ba hanap mong di mo nakita sakin
Kung kaya’t puro pagpapanggap ka lang sa istorya natin
Binigay ko ang lahat sinakripisyo ang lahat
Ngunit iba pa rin mahal mo at iba ang mas angat
Inalay ko ang puso ko pati buo kong pagkatao
Nagmuka na ngang tanga sayo ngunit walang nagbago
Kung ano ka pa noon hanggang ngayon ganun pa rin
Kaya pagmamahal ng tulad ko hindi mo napansin
Ang emosyon na sobrang kalungkutang may kasamang galit
Ang aking nadarama dahil mahal pa kita kahit
Mayroon ka ng iba habang ako’y ibinasura
Palibhasa ba mahirap lang ako’t walang itsura
Hinagpis na iniwanan mo sakin lumalala
Gabi gabing lasing umiiyak at nakatulala
Ngunit kailangan tanggapin ko lahat ng katotohanan
Na pagmamahal ko sa iyo walang pinaroonan

Chorus:
Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
Ikaw lang ang minahal ng ganito

3rd:
Habang nakikinig ka gusto kong malaman mo
Mula nung nawala ka kalungkutan ang kalaban ko
Alam kong masaya ka na ngayon sa piling ng iba
Bulagbulagan lang ako tila may piring ang mata
Salamat sa tatlong taon mong ako’y pinagtyagaan
Ngayong damdaming ka’y bigat pilit kong pinapagaan
Ito ang pinakamahirap ko na pinagdadaanan
Ang limutin ang babae ko na pinaglalaanan
Ng pagmamahal na tunay na higit sa buhay ko
Ngayon wala na kong anghel kaya balik ang sungay ko
Sadyang mahirap ngang limutin ang ating nakaraan
Pakiramdam ko ang buong mundo sakin nakadagan
At tila lumagapak ng bigla ang langit dito sa kalupaan
Tatlong taon na kasama kita para sayo walang kahulugan
Ang makuntento ka sakin hindi naganap yun ang pinakamasakit don
Pakiramdam ko tuloy gamilyong patalim sa puso ko nakabaon
Sana maging maligaya ka na sa ngayon
At salamat nalang sa lahat binigyan ako kahit na kakaunting panahon
Nakasama kita kahit puro panggap na pagibig ang nadama ko sa iyo
Atlis napadama ko sa iyo na pag ako nagmahal labis at totoo
Alam ko kahit na ilang bote ng alak ubusin sa bawat gabing maginaw
Ay hindi kita malilimutan pagkat hinahanap ng puso ko tanging ikaw
Nasan ka man ngayon aking mahal sana naman tandaan mo ito
Na ikaw pa rin ang syang babaeng saydang hanggang ngayon ay mahal ko (mahal ko)

Chorus:
Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
Ikaw lang ang minahal ng ganito